Topic 8 - Iwas Gastos Tips

Iwas Gastos Tips
Topic 8

Ang mga sumusunod ay normal na nagaganap at ikinikilos ng isang kabataan, “ang maging magastos!” Narito ang ilang senaryo upang lubos ninyong maunawaan ang paraan para maka-iwas sa gastos;


Scenario 1: “…ang barkada ko ay hilig ang gumimick!”

- kung ma-barkada ka at madalas ang paglabas ninyo kung walang pasok o weekends, hindi mo talagang maiiwasang mapagastos at makipag-sabayan sa kanila. Kung tunay mo silang mga ka-barkada o kaibigan, bakit hindi kayo gumimik o mag-get-together sa matipid na pamamaraan?

Halimbawa, bakit hindi ninyo gawin ang gimmick ninyo sa bahay ng isang kaibigan ninyo? Mag-snack party kayo o kaya ay cocktail party (sa mga may edad na 18 pataas). Isipin ninyo ang kamahalan ng pag-gimmick sa labas?

Scenario 2: “…Php 500 lang ang budget ko, saan ko kaya ide-date ang gf ko?”

- naku, hindi mahirap yan. Bakit hindi mo i-date sa bahay ninyo? Nga lang, kapag wala jan ang mama mo!

Una, ipaliwanag mo sa kanya ang dahilan kung bakit mo siya ide-date sa bahay ninyo.

Pangalawa, sa Php 500.00 na budget mo, may magiging sukli ka pa kung saka-sakali. Bakit kamo? Kung may maganda kayong DVD na panoorin, tapos komportableng umupo at manood sa sofa ninyo, tapos mag-order ka ng pizza sa isang pizza store o kaya ay bumli ka ng 6 na Pancit Canton, tapos samahan mo ng Softdrinks o Iced Tea, para na kayong nasa sinehan. O diba?

Pangatlo naman, sa natirang mong sukli, ilibre mo na lang siya sa pamasahe.


Medyo mahahalata kang kuripot ng kasama mo, kung kaya’t ikaw na ang bahalang mag-paliwanag. O diba?


Scenario 3: “…dati na akong magastos, may pag-asa pa ba ito mabago?”

Nasa iyo ang kasagutan, sapagkat sa iyo mangagaling ang salitang determinasyon at ang tanging pag-asa mo ay ang labanan ang pagiging gastador. Marami sa katulad nating kabataan ay may mall-istik syndrome at shop-oholik disease na sadyang nakakasira sa ating pagbabadyet.

Nga lang, ang parati ko pang sinasabi ay… “…gumastos na naaayon sa pag-gagamitan at pangangailangan.”

Comments

Popular posts from this blog

Topic 4 - Wants and needs of a typical teenager

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?

Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?