Topic 2 - Katipiran at ang Kalusugan
Katipiran at ang Kalusugan
Topic 2
Case Study
Isang 3rd year college engineering student si Diana Maputlang-labi sa isang unibersidad sa may Ermita, Malate Manila. Siya ay anak nila Mang Jestoni at Aling Rita Maputlang-labi. Medyo ok lang ang kinikita ni Mang Jestoni sa abroad bilang isang CAD Operator, samantalang si Aling Rita ay isang dealer ng cosmetics sa kanilang subdivision.
May mga nagdaang mga buwan na nag-titipid si Diana sa kanyang ibinabaong pera sa siya ay pumapasok dahil nais niyang magkaroon ng isang cellphone na 3G. May mga pagkakataon na pati sa pagkain ay nag-titipid siya. Hindi siya nag-sasabi kay Mang Jestoni dahil nahihiya na itong magpabili ng cellphone dahil sa nananakaw naman sa kanya.
Minsan, biglang umuwi si Diana sa kanilang bahay at naka-ramdam ng pananakit ng tiyan. Ninerbyos si Aling Rita sa nararamdaman ng kanyang anak. Kung kaya’t idinala ni Aling Rita si Diana sa ospital upang ipatignan kung anong diperensya ni Diana sa kanyang tiyan. “Ulcer” daw ang sakit ni Diana, at nalaman ng doctor ng minsang magtanong kay Diana ay siya raw ay nagtitipid sa baon kasi gusto niyang magkaroong ng bagong cellphone na 3G. Ang masama nito, wala sa badyet ni Aling Rita ang pagkakasakit at pagkaka-confine sa hospital ni Diana, at nataon naman na hindi pa sume-sweldo si Mang Jestoni. Walang magawa si Aling Rita ay ang galawin ang malaking bahagi sa badyet niya. Pero kinulang pa rin si Aling Rita sa pag-babayad sa ospital. Wala rin magawa si Diana kundi ay ibigay ang kanyang naipong 30,000 Php sa kanyang ina.
Conclusion:
Hindi masamang mag-ipon at magtipid lalo na kung may pagla-laanan na bagay. Kaya lamang, kaya lamang nagiging masama ay sapagkat tinitiis nila ang kanilang gutom at kalusugan basta nakakapag-ipon naman sila. Mali ang ganitong paraan.
Narito ang dalawang kasabihan at tamang paliwanag para maiwasan ninyo ang sinapit ni Diana…
1. “…huwag kang mag-ipon kung sa tingin mo ay ipangpapa-ospital mo
lang ang kabuuang ipon mo!”
2. “…unahin mo ang kalusugan, sapagkat ito ang ating sandigan para
sa kasaganahan.” - dapat na unahin muna natin ang ating
kalusugan upang magkaroon tayo ng lakas at determinasyon
sa anumang balakin natin.
At laging pakatatandaan, may panahon upang mag-ipon. Halimbawa, kapag birthday, o kaya ay pasko, may mga ninong at ninang tayong nag-bibigay sa atin ng salapi. Ang gawin mo ay…kung napamaskuhan mo ay higit sa sanlibong piso, itago mo ang walong daan, at gamitin mo ang dalawang daan para pag-laanan mo sa iyong sarili. O diba? Masasabi kong may panahon ang pagtitipid? At pagkatapos, kung naitabi mo ang walong daang piso, iyan ay magagamit mo kapag ikaw ay kinapos o di naman kaya ay kung walang maibigay na pambaon si nanay o si tatay.

Comments