Topic 10 - Advance Monthly Allowance

Advance Monthly Allowance
Topic 10


Paano ka ba bigyan ng baon ng magulang mo? Boarder ka ba sa Maynila? Ikaw ba ay nakatatanggap ng paunang baon o monthly allowance galing sa iyong magulang? Kung gayon, ito ay para sa iyo…

Kung minsan diba ay nauubos natin ang ating advance monthly allowance sa hindi inaasahang bagay? Sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay nasasaid tayo o kinakapos kapag nagalaw na natin ng wala sa pagpa-plano ang ating advanced monthly allowance?

Kung ikaw ay naka-ranas na ng ganitong senaryo, at kung ikaw ay pinababaunan o ibinibigay sa iyo ang paunang baon mo para sa isang buwan, intindihin at balikan ang pag-aaral sa topic 3 at topic 6 –to- 9 na mag-bibigay sa iyo ng gabay upang hindi makapos sa pagka-ubos agad ng advance monthly allowance.

Magandang ideya ang pagbibigay ng paunang baon para sa isang buwan ng iyong magulang. Kasi, nakikita nila sa iyo kung papaano ka humawak ng pera at malalaman mo din o ma-raranasan mo ang mag-badyet ng pera. Mag-simula kang mag tipid sa pera pero, i-consider ang topic 1 at alamin pa ang tamang pag-titipid ng pera mula na rin sa iyong magulang.

Kagaya nga ng naitanong ko sa unang sanaysay, ikaw ba ay boarder sa Maynila? Kasi kalimitan, ang mga ito ay naka-raranas na sila ay bigyan ng paunang baon para sa isang buwan, yung iba naman ay umuuwi ng lingguhan para kunin ang kanilang baon sa probinsya.

May kaibigan ako sa Adamson na nag-ngangalang Lester na taga-Laguna, siya ay lingguhan kung umuwi sa kanila upang doon mag-weekend at para tanggapin ang kaniyang paunang baon. Mahilig sa pachingko si Lester pero ni minsan ay hindi ko pa nababalitaang kinapos sa kanyang allowance. Malamang ay nag-iipon siya sa kanyang allowance at doon kasi sa boarding house niya na nasa likod lang ng dati kong unibersidad, sandamukal kasi ang kainan doon malapit sa kanila at mura pa ang pag-kain.

Comments

Popular posts from this blog

Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?

Topic 4 - Wants and needs of a typical teenager

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?