Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?
Saan dapat itago ang Perang Naipon?
Topic 5
Ngayon at may naipon ka nang pera, saan mo naman ito pwedeng itago? May mga matatandang pamamaraan ng pagtatago ng ipon ang pwede nating gawin at sundin. Narito ang mga sumusunod kung saan ito ang matatandang pamamaraan na sinasabi ko:
Mga matatandang pamamaraan sa pagtago ng na-ipong barya
a. Alkansya
ito ang pinaka-basic na pagtatago ng pera. Ang mga garapon ng ice cream, kawayan, maging ang lalagyan ng Pringles , ay maaaring gamitin para maging alkansya. Pero noong panahong ng mga ninuno natin, ang mga barya ay tinitipon at tinatago nila sa banga, actually, hindi siya ganoong kalakihan. Tapos, binabasag ito kapag aminadong puno na ang laman.
b. Arinola ( urine pan )
naaalala ko nung buhay pa yung + Nanay Isiang ko, (Tarcisia Alde Agdigos + 1925 - 2006) mahilig sa pamahiin iyon. Mayroon siyang tindahan, at matatawa ka, kasi ang lalagyanan ng pera sa tindahan ni Nanay ay arinola. Pero bago mo gamitin ang arinola, kailangan ihi-an mo ito o kaya ay dumihan mo. Tapos, linisin mo ang laman ng arinola at wag mo na ulit ihi-an o dumihan. Ngayon, kapag nagawa mo na iyon ay pwede mo nang gawing lalagyanan ng pera. Kasi, paliwanag ng lola ko nuong buhay pa siya, “…kasi, para dumami yung bibili sa iyo at para swertehin ka, gamitin mo ang arinola para lalagyanan ng pera.” Kahit hindi ganoong kalakihan ang sari-sari store ni Nanay Isiang, mabenta ang kanyang mga paninda kagaya ng beer, sigarilyo, chichirya at iba pa.
Hanggang sa namayapa na ang Nanay Isiang ko, nananatiling tindahan pa rin ang kanyang tindahan at awa ng Diyos ay walang mga nagdaang araw na hindi ito kumikita. Naaaalala ko rin na sinabi ng Nanay Isiang ko, “…alam mo utoy, sa tindahan ko kinukuha ang pambayad ko sa kuryente. At masaya na ako kahit kumita lang ako ng singkwenta pesos sa isang araw. Kasi, pera din iyon. “ Marunong mag-pahalaga ang mga lolo at lola natin, parang si Nanay Isiang. (I Love you Nanay! Always)
c. Katsa
Sa matatandang ninuno natin, ang iba sa kanila ay doon nila
inilalagay ang mga barya. At kapag ito ay napuno na ng barya, isisiksik nila ito sa mga sulok-sulok sa kanilang bahay.
d. Kawayan
Kalimitan sa matatanda, sa kawayan sila nag-lalagay ng barya.
Sapagkat, medyo hindi pa uso ang de-lata. Ito ay nilalagyan lang nila na pa-halang na butas kung saan ay mag-kakasya ang barya.
Ngayon at nalaman nyo na ang makalumang pamamaraan ng pagtatago ng naipong mga barya.
At kapag lumago na ang pag-iipon ninyo ng barya sa alkansya, saan mo ito puwedeng itago? Dapat bang mag – hukay ng lupa sa bakanteng lote upang ang barya ay tumubo? (Note: hindi ko sinasabi na ang barya ay panay ma-miso, ang ibig kong sabihin ay ang mga tig-bebente o tig-singkwenta.)
Ngayon, kailangan mo nang ipasok ito sa bangko. Kailangan mong palaguin ang iyong ipon sa pag-pasok sa bangko. Kahit mapuno mo pa mga tig-sasampung piso ang alkansya mo at nanatili lang ito sa ganitong halaga. In other words, mananatili pa rin ito ganito kapag hindi mo itinago sa bangko.
FAQ:
Q:: Ano ba ang mapapala ko sa pag-tatago ko ng pera sa bangko?
A:: Malaki ang pakinabang mo kapag nag-tago ka ng pera sa bangko. At hindi lamang ikaw ang makikinabang, pati ang buong bansa. Bakit ko nasabi ang buong bansa? Bigyan natin ng masusing pag-papaliwanag hinggil dito. Sa bangko kasi, dito ka maaaring magtiwalang magtago ng pera at dito ka rin puwedeng mang-hiram ng salapi para umutang. Kapag nag-papautang ang bangko, ang perang ipinapahiram ng bangko ay nangagaling sa mga account holder o yung may bank account sa isang specific na bangko. If you fill a piggy bank with ten thousand pesos’ worth of coins, and keep it there for a year, you still have just a ten thousand at the end of the year. But, if you put the ten thousand pesos in a savings account at a bank and leave it there for a year, the bank will add a little bit more money to your ten thousand pesos.
Pero huwag kang matakot, kasi karamihan ng mga bangko dito sa Pilipinas ay kasapi sa PDIC – Philippine Deposit Insurance Corporation. Ito ay isang ahensya na nagseseguro ng mga deposito sa bangko hanggang sa Php 250,000 sa bawat magdedeposito o account holder. Sila ay itinatag upang maseguro ang mga deposito sa bangko at upang magkaroon ng matibay at matatag na sistema ng pagbabangko dito sa ating bansa, na pangalagaan ang pang-kalahatang salapi ng bansa sa pamamagitan nitong seguro laban sa pagbagsak ng mga bangko. Kaya kapag pipili kayo ng mapag-tataguan ng salapi, tignan ang polisiya nila kung sila ay kabilang sa PDIC.
Q:: Papaano ba nasasabing may tubo sa pag-babangko?At makakasiguro ba akong ang pera na itinago ko sa bangko ay mananatili doon?
A:: Kagaya nga ng nasabi ko kanina, ang bangko ay pwedeng pag-taguan at puwede rin hiraman. Depende nga lang kung kayo ay karapat-dapat na bigyan ng isang prebilehiyo upang kayo ay makautang. Diba, ang sabi ko kanina, kalimitan sa ipinapahiram ng bangko na pera sa mga mangungutang ay nangagaling mismo sa pera na nakatago sa bangko, kung saan ang perang iyon ay pera ng mga depositors o yung mga account holders. Sa madaling salita, pansamantalang hihiramin muna yung nakatago mong pera. Pero h’wag kang mangamba, hindi mo mararamdaman na nanghihiram sa iyo ang pera kasi hindi lang naman ikaw ang account holder sa isang bangko. Ibinabalik ng bangko ang hiniram nilang pera sa mga account holders sa pamamagitan ng tubo o interes. At ‘jan pumapasok ang salitang interest, lahat ng nagtatago ng pera sa bangko ay may interes at lahat din ng nangungutang sa bangko ay may interes din. The more na tumatagal ang ipon mo sa isang bangko, mas maraming pagkakataon na lumago ang iyong pera dahil sa tubo o interes. At oo, nananatiling naka-tago ang pera mo sa bangko kahit iyan ay pasukan pa ng magnanakaw.The bank uses your money, and the bank pays you for the use of your money. The money the bank pays you is called interest. And the interest is added to the money you already have in the bank. The bank lends your money to people who need it. Those people borrow the money from the bank and pay the bank interest to use it. When a borrower pays the money back to the bank, he has to pay some interest to the bank. That’s the price he pays for borrowing the money. But he pays more interest to the bank than the bank pays you on your money. The bank uses this interest to pay you for the use of money and to pay the cost of running the bank. The longer you leave your money in the bank, the more interest you get.
Ngayon, talakayin naman natin ang iba’t ibang klase ng bangko na mayroon sa inyong lugar:
1. Rural Bank
2. Commercial Bank
3. Industrial Bank
4. Thrift Bank
Conclusion:
Ang kabuuan nito ay… mas maganda nang mag-tago ng inyong naipon sa pera. Sapagkat kung ito ay naka-tago sa isang maaasahang bangko, nakatitiyak kayo na nasa mabuti ang inyong ipon at tumutubo ito ng interes.

Comments