Topic 3 - Tamang Pag-titipid sa Pera (Budget)

Tamang Pag-titipid sa Pera (Budget)
Topic 3

Kung nabasa ninyo ang Topic Two, siguradong alam na ninyo na kung ano at papaanong mag-tipid ng pera. Ang sabi diba, “…may panahon para mag-tipid.” Kaya sa paksang ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang pamamaraan hinggil sa pagtitipid ng pera.

1, Kung ikaw ay namamasahe kapag pumapasok, kung malapit lang ang inyong pinapasukan ay lakarin mo na lamang ito. I’m sure lalo na sa mga kolehiyo, hindi na uso ang exercise bago mag-klase diba? So ganito, walking in the morning is a good routine and a good exercise. Para nga lang hindi kayo ma-late sa pagpasok, agahan ninyo ang pag-alis sa inyong boarding house o sa bahay ninyo. Pero, kapag medyo may kalayuan ang inyong tinutuluyan at sa tingin ninyo ay hindi ninyo kayang mag-lakad, ‘wag mag atubiling sumakay sa pampasaherong djip at bus.

2. Kung nabasa mo ang Topic 1, at kagaya ka nga niya na mataas ang baon sa araw-araw, bakit hindi mo hatiin ang iyong baon? Hindi ko tuwirang sinasabi na kung mahilig ka sa internet games e tigilan mo na. Ang akin lamang, kung ito naman ay nakakasama sa iyong pag-aaral ay sadyang nararapat lang na ihinto mo na habang maaga pa. Bakit ko nasabi, halimbawang ganito ang nagagastos mo:

Baon Mo: Php 250

Internet Game: Php 180 Per 6 Hours 180
Recess: Php 10 Softdrinks at Biskwit 10
Billiard Games: Php 40 Per 2 Games 40 +
Pamasahe: Php 20 Bahay to Skwela Vice Versa 20
Total: Php 250
SAVE: Wala!

Diba? Sakto lang ang ginagastos mo? Kahit pa sabihin mong mura na ang internet rental ngayon, sayang pa rin. Ehe, kung hindi ka na naglalaro edi makakapag-tipid ka pa. Tignan mo ngayon kung magkano na ang maiipon mo:


Baon Mo: Php 250

Internet Game: Wala na, tinigil ko na 00
Recess: Php 50 complete meal w/ drinks 60
Billiard Games: Wala na, hinto na 00 +
Pamasahe: Php 20 Bahay to Skwela Vice Versa 20
Total: Php 80.00 (250 – 80 = 170)
SAVE: Php. 170.00

Kita mo na? Sa Php 170.00 na ‘yon, kapag nangailangan ka ng bibilhing materyales mo sa school, magagawa mo na. Just in case na nangailangan ka diba, oh, edi may makukuha ka. Hindi gaya ng naunang example, wala ka talagang ipon. Ngayon, pagsama-samahin natin ang natitira mong baon kung ang schooling days mo ay 6 days at pag-isahin natin sa isang buwan:

Computation:

Php 170 (natitira ko sa isang araw) X 6 Days (Beses ng pagpasok ko)
= Php 1,020 (Resulta sa 6 days na may natitira akong baon katumbas ay 1 linggo)

…in one month
Example: Month of September 2007

Php1,020 (Resulta sa 6 days/ 1 linggo) X 4 Weeks (Kabuuang linggong papasukin ko)
= Php 4,080 (Resulta sa isang buwan)


Diba? O, kung marunong ka lang sa pera, edi sa isang buwan ay may Php 4,080 ka na. Ngayon, pagkatapos ng topic na ito at sa darating pang mga topic, makikita mo kung saan mo ito pwede itago o ano naman ang gagawin mo sa naipon ko. Pero sa tingin ko ay nag-iisip ka na kung saka-sakaling nakapag-ipon ka na e saan mo ito ilalagay?

Comments

Popular posts from this blog

Topic 4 - Wants and needs of a typical teenager

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?

Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?