Topic 6 - Treat yourself in a cheaper way, but it’s your own choice

“Treat yourself in a cheaper way, but it’s your own choice!”
Topic 6

Ikaw ba ay nasanay sa panglilibang mo sa iyong sarili sa pamamamaraang napapamahal ka sa gastos? Well, ang gusto kong sabihin sa iyo ay… pwede kang maka-mura!

Ang gusto kong gawing halimbawa ay ang recess o lunch break sa eskwelahan. Sa pinasukan kong unibersidad dati, Adamson University kapag lunch break, iniisip ko noong freshman ako kung saan ako kakain dito? At natuklasan ko na marami palang mapag-pipiliang kainan. Yun nga lang, sa dami ng mapag-pipilian, hindi ko tiyak kung malinis ba sila mag-hain ng kanilang paninda?

Well, it’s your own choice ika nga. Ikaw na ang bahalang mamili kung saan ka kakain. Pero, sa dami ng mga restaurants at mga fine dining na makikita sa malls, madami sa mga ito ay nag-oofer ng value meal o yung isang menu na talagang pang-masa.

Yun nga lang, minsan e kulang sa atin yung value meal. Meron din namang mga resto na nag-oofer din ng unlimited rice at bottomless drinks. Maigi nga at nag-karoon ng ganitong klase ng restaurant sa Pilipinas.

Pero, kalimitan sa isang estudyanteng marunong mag-tipid, sa karinderya ito kumakain. Kasi bukod sa mura na, marami pang pag-pipilian. Sa karinderya, halos ang hinahain dito ay talaga namang mga lutong bahay. Pero siyempre, iba pa rin ang lasa at timplada ng luto sa ating bahay kung sinoman ang nag-luluto sa inyo.

Kung naka-hiligan mo naman ang pag-lalaro ng online computer games, mas mainam siguro na bawas-bawasan mo ng ilang oras. Let’s say for example, kung inaabot ka ng pag-lalaro sa online games na humigit sa limang oras (5 Hrs), bakit hindi mo subukang mag-bawas ng dalawang oras? Medyo mahirap talagang iwasan at bawasan ang paglalaro ng computer games sa katulad nating mga estudyante. Pero, naisip mo na ba na, kada laro mo ay malaki ang kinikita ng may-ari ng internet café?

At isa pa, kaya mong pag-ipunan ang pambili ng computer for just 3-to-4 years. Bakit hindi ka mag-simulang mag-ipon? Kung nakaligtaan mong basahin ang topic 3, balikan mo ulit kung papaano ka makapag sisimulang mag-ipon.

Isa pa nito, kada taon ay tila bumababa ang rate ng linya ng internet. May mga plans and promos ang mga ISP (Internet Service Provider) na nag-aalok ng internet at ayon sa bilis ng gusto mong piliin. Nga lang, mas mabilis ang gusto mong kunin na connection, mas mahal.

Kung ang pakay mo lamang e para sa pag-aaral mo, isama mo na siyempre jan kung hilig mo ang pag-download ng mp3 at ng mga mtv videos, nirerekomenda ko na ang kunin ninyong bilis ay 500 kbps o 1 mb.

Comments

Popular posts from this blog

Topic 4 - Wants and needs of a typical teenager

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?

Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?