Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?
ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?
Topic 11
Sabi ng iba, sa ATM ay mas magastos kapag meron ka nito hindi tulad sa Passbook. Pero madami rin ang nagsasabi na convenient gamitin ang ATM kesa Passbook.
Alinman ang gamitin mo sa dalawang ito, parehong ayos gamitin para sa akin. Parehong totoo ang sabi ng iba, kaya nga may malaking pagkakaiba ang dalawang paraan na ito tungkol sa pag-tatago ng pera.
Halimbawa na lamang nito ay ang required initial and open deposit, ang isang regular na account para sa open/initial/maintaining deposit para sa ATM ay umaabot sa Php 2000 to 3000 pero meron naman na nag-hahandog ng kanilang serbisyo sa ATM na umaabot lamang sa Php 500. Pero siyempre, meron itong kondisyon na halimbawa ay magkakaroon lamang ng tubo ang iyong ATM Account kapag ang pera na nakatago rito ay hindi kumulang sa Php 5000 at hindi lalagpas sa Php 250,000.
Pero ito ang asahan mo pag ATM ang gamit mo, kapag hindi match ang ginagamit mong ATM kapag mag wiwithdraw ka, let say na ang ATM mo ay Bancnet at ang pag-kukunan mong machine ay Megalink, malaki ang deduction sa pera mo iyon. Mas mainan, kung Bancnet ka, sa Bancnet ka din kumuha ng pera.
Kung sa Passbook ka naman, ang isang ordinaryong bangko ay nag-hahandog ng Php 10000 para sa open/initial/maintaining balance upang magkaroon ka ng account sa kanila. Dito, sigurado ka na may tubo kang matatanggap sa kanila lalo na kung panay lagay mo ng pera sa kanila na walang nababawas sa loob ng tatlong (3) taon.
Meron din namang ilang bangko na nag-hahandog ng kanilang serbisyo na ang kanilang maintaining/open/initial balance ay umaabot lamang sa Php 500. Madalas, ang mga bangkong nag-hahandog ng ganitong serbisyo ay ang mga rural at thrift bank.
Depende at Komporme sa pag-gagamitan
Ang dalawang uri ng pagbabangko na nabanggit ay parehong maganda at epektibo. Ang magiging hadlang ulit nito ay ang ating gawi at pag-uugali sa larangan ng pag-gamit nito. Kung ikaw ay magastos sa pera, may pagkakataong ang pera na naka-tago sa bangko ay magalaw natin na hindi naman talaga kinakailangan. Kinakailangan lamang muli nito ay muli nating tanungin sa sarili na kinakailangan ba nating mag withdraw para sa wala namang bagay na pagkakagastusan?

Comments