Topic 9 - Pag-aralan mo kung paano mag-badyet si Nanay o si Tatay

Pag-aralan mo kung paano mag-badyet si Nanay o si Tatay
Topic 9

“Ayon sa isang pag-aaral, mas mahusay daw at epekitbo kung may pagpa-plano ang isang pinuno ng tahanan sa paraan ng pag-labas ng salapi sa kanilang bahay katulad na lamang nito ay ang tamang pag-gastos, mga bayarin sa renta ng ilaw, telepono at tubig, at ang matrikula sa mga anak”


Talagang maganda talaga ang isang ideya na kapag may pagpaplano ay siguradong epektibo. Ang magiging hadlang lamang sa mga pagpaplano ay ang magiging aksyon natin sa mga plano. Ganyan ang madalas na ginagawa ng isang wais na Nanay o di naman kaya ay Tatay ng isang tahanan.

Ngunit naisip mo na ba kung paano mag badyet si Nanay o si Tatay? Sino ba ang mas magaling sa kanilang dalawa pag dating sa pagtitipid? Ang sagot rito ay halos pareho lamang na magaling mag-ipon ang karamihan sa mga Nanay at Tatay ng tahanan, huwag lamang na masabing may bisyo sila.

Kung ang magulang mo ay parehas na nagta-trabaho, kapag kinsenas na o kaya e katapusan na ng buwan ay nakikita mo ba minsan na sila’y nag-uusap sa kainan? O di naman kaya ay sa kanilang kuwarto? Well, lapitan mo at sa una nga lang ay huwag ka munang maki-alam o sumabat sa pag-uusap nila sapagkat sadyang napaka-importante ang paguusap na iyon na saklaw sa pag-paplano ng paggastos at paglabas ng kanilang kinita sa trabaho.

Hanggang sa lumaon, makinig ka lamang sa kanilang pagpa-plano. Sabihin mo na gusto mo lamang matuto kung papaano sila mag-ipon para maunawaan mo narin ang dahilan ng pag-titipid. At may pagkakataon din naman kasi na tatanungin ka ng iyong magulang na kung ano ang kakailanganin mo para sa gayoon ay mapag-handaan nila.

Kung ang tatay mo ay nasa abroad at ang nanay mo naman ay nasa tahanan, (VICE VERSA) siyasatin mo din kung paano din mag-badyet si nanay o si tatay na naiiiwan sa tahanan. Katulad ng Nanay ko, halimbawa ay sa 100% ng kinikita ng tatay ko sa ibayong dagat, ang ginagawa nila ay nag-lalaan sila ng pag-tatago ng saapi sa bangko para sa paghahanda sa hinaharap at sa mga darating pang panahon, siguro mga nasa 40%. At ang 60% naman ay inilalaan nila na itabi ang salapi para sa pag-babayad ng renta sa ilaw, tubig, cable, telepono at broadband, matrikula, baon at transportasyon, abono sa iba pang pangangailangan, pamamalengke at iba pa.

At base sa aking nakikita, na bagaman ay hindi naman kami kinakapos sa salapi, ay tamang tama lang ang pag-babadyet ng aking Nanay pero may mga pagkakataon din naman na yung 60% na para sa nasabi ko kanina ay kinakapos kami. Kaya naman ay malaking bagay talaga ang 40% na pag-tatago sa bangko para sa mga hindi mo inaasahang gastusin.

At kaya naman, masasabi ko na marunong sa buhay ang nanay ko, natuto kasi siya sa kanyang ina na akin namang lola, at sa biyenan niya na lola ko din.

Comments

Popular posts from this blog

Topic 4 - Wants and needs of a typical teenager

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?

Topic 5 - Saan dapat itago ang Perang Naipon?