Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?
ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago? Topic 11 Sabi ng iba, sa ATM ay mas magastos kapag meron ka nito hindi tulad sa Passbook. Pero madami rin ang nagsasabi na convenient gamitin ang ATM kesa Passbook. Alinman ang gamitin mo sa dalawang ito, parehong ayos gamitin para sa akin. Parehong totoo ang sabi ng iba, kaya nga may malaking pagkakaiba ang dalawang paraan na ito tungkol sa pag-tatago ng pera. Halimbawa na lamang nito ay ang required initial and open deposit, ang isang regular na account para sa open/initial/maintaining deposit para sa ATM ay umaabot sa Php 2000 to 3000 pero meron naman na nag-hahandog ng kanilang serbisyo sa ATM na umaabot lamang sa Php 500. Pero siyempre, meron itong kondisyon na halimbawa ay magkakaroon lamang ng tubo ang iyong ATM Account kapag ang pera na nakatago rito ay hindi kumulang sa Php 5000 at hindi lalagpas sa Php 250,000. Pero ito ang asahan mo pag ATM ang gamit mo, kapag hindi match ang ginagamit mong ATM kapag mag wiwithdraw ka, let say...