Topic 8 - Iwas Gastos Tips
Iwas Gastos Tips Topic 8 Ang mga sumusunod ay normal na nagaganap at ikinikilos ng isang kabataan, “ang maging magastos!” Narito ang ilang senaryo upang lubos ninyong maunawaan ang paraan para maka-iwas sa gastos; Scenario 1: “…ang barkada ko ay hilig ang gumimick!” - kung ma-barkada ka at madalas ang paglabas ninyo kung walang pasok o weekends, hindi mo talagang maiiwasang mapagastos at makipag-sabayan sa kanila. Kung tunay mo silang mga ka-barkada o kaibigan, bakit hindi kayo gumimik o mag-get-together sa matipid na pamamaraan? Halimbawa, bakit hindi ninyo gawin ang gimmick ninyo sa bahay ng isang kaibigan ninyo? Mag-snack party kayo o kaya ay cocktail party (sa mga may edad na 18 pataas). Isipin ninyo ang kamahalan ng pag-gimmick sa labas? Scenario 2: “…Php 500 lang ang budget ko, saan ko kaya ide-date ang gf ko?” - naku, hindi mahirap yan. Bakit hindi mo i-date sa bahay ninyo? Nga lang, kapag wala jan ang mama mo! Una, ipaliwanag mo sa kanya ang dahilan kung bakit m...