Paano nagtitipid ang mga working students?
Isa lamang din ito sa iniisip ko habang sinusulat ko itong paksa na ito... paano nagtitipid ang mga working students?
Bago ko isulat itong paksa na ito, nag-basa muna ako kung magkakano ang sinasahod ng isang working students. Ang mga sumusunod ay hango sa website ng indeed.com.ph:
(https://www.indeed.com.ph/cmp/Jollibee/salaries)
(https://www.indeed.com.ph/cmp/Accenture/salaries)
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng gastos habang nag-aaral sa isang State University at sa isang pribadong unibersidad sa Maynila.
(Cost of Living on Campus - https://upd.edu.ph/students/average-budget/)
(Living Costs - http://www.ateneo.edu/living-costs)
Bago ko isulat itong paksa na ito, nag-basa muna ako kung magkakano ang sinasahod ng isang working students. Ang mga sumusunod ay hango sa website ng indeed.com.ph:
(https://www.indeed.com.ph/cmp/Jollibee/salaries)
(https://www.indeed.com.ph/cmp/Accenture/salaries)
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng gastos habang nag-aaral sa isang State University at sa isang pribadong unibersidad sa Maynila.
(Cost of Living on Campus - https://upd.edu.ph/students/average-budget/)
(Living Costs - http://www.ateneo.edu/living-costs)
Ang ibang working student ay kumukuha ng scholarship mula sa local government at ang iba naman ay sa mismong unibersidad kagaya sa Adamson University (Scholarship for Student Assistant Ozanam Study Grant Program). May mga kaibigan ako sa Adamson dati na beneficiary nitong programa na ito at karamihan sa kanila ay may mga trabaho na matapos ang kolehiyu. (https://www.adamson.edu.ph/v1/?page=scholarship-grant)
Ngayon, bago ako malihis sa paksa ko na ito, paano nga ba at posible ba sa isang working student ang magtipid at makapag-ipon? Narito ang mga pamamaraan:
1. Magdala ng sariling baon. Kung ikaw ay nakatira malapit sa pinagtatrabahuan at pinapasukang unibersidad, isang epektibong pamamaraan ng pagtitipid ay ang pag-dadala ng sariling baon. Ako kung minsan, nag-babaon din ako dahil nakatitipid ako ng 20-30 Pesos pag nag-dadala ako ng sarili kong baon.
2. Bumili ng 2nd-hand na libro. Paano? Maraming paraan. Maaari kang makabili ng 2nd-hand na libro sa Recto, o kung minsan sa online through Facebook or OLX.
3. Imbes na soft drinks o juice, mag-tubig. Walang makapapalit sa dulot ng tubig. Pansinin ninyo ito: kung iinom ka ng soft-drinks or juice, eventually iinom ka pa din ng tubig. At sa pag-mahal ng soft-drinks at juice dahil sa TRAIN Law, mainam talaga na tubig na lang.
4. Iwasan/Bawasan ang Bisyo. Kung ang bisyo mo ay sigarilyo o inom o computer games at kaya mo namang i-sustain ang mga nabanggit kong bisyo, bawasan mo. Sakop sa TRAIN Law ang pag-taas ng presyo ng inuming nakalalasing at sigarilyo. Ang computer games naman, maaari mo pa din naman itong gawin pero in moderation at hindi hahantong sa pag-kaubos ng inyong pera.
5. Huwag bumili ng hindi kailangan. Diyan papasok ang decision-making skills mo. Kailangan versus Gusto.
6. Matutong humindi kung kinakailangan. Kung may mga kaibigan ka na weekly ay kumakain sa labas, matuto ka din na hindi sumama sa kanila lalo na't kung sapat lang ang budget mo para sa pambaon. Hindi mo kasi masasabi kung kailan mo kailangan ng pera para sa mga biglaang projects sa school.
7. Mag-plano. Kung meron kang notebook or mobile application para makatulong sayo sa pag-babadyet para sa isang period, gawin mo. Sapagkat isa sa epektibong pamamaraan ng pagtitipid ay ang pagkakaroon ng plano sa budget. Ang kalaban mo lamang dito ay ang sarili mo kung magiging strikto ka sa pag-babadyet.
8. Mag-open ng Savings Account. May mga bangko na nag-ooffer ng mababang initial deposit at maintaining balance. Halimbawa, ang BPI meron silang Easy Saver na walang maintaining balance, 200 Pesos alng ang inital deposit at ito ay ATM/Debit account. Maaari mo din i-enrol ito ng online banking para makita mo online yung naiipon mong pera. (Basahin ang buong detalye para sa BPI Easy Saver)
Bukod sa BPI, ang Eastwest Bank din ay meron din silang Basic Savings Account. Ang initial deposit sa kanila ay 100 Pesos at may maintaining balance na 100 Pesos.
9. Live below your means. Period.
Sana nakatulong ang paksa na ito sa mga nag-hahanap ng ideya para maging working student at sa mga working student na hirap makapag-isip ng paraan para makatipid. Meron ka bang gustong i-bahagi o idagdag sa listahan na ito? Open ang blog na ito sa iyong suhestiyon.
Comments