Posts

Paano nagtitipid ang mga working students?

Image
Isa lamang din ito sa iniisip ko habang sinusulat ko itong paksa na ito... paano nagtitipid ang mga working students? Bago ko isulat itong paksa na ito, nag-basa muna ako kung magkakano ang sinasahod ng isang working students. Ang mga sumusunod ay hango sa website ng indeed.com.ph: (https://www.indeed.com.ph/cmp/Jollibee/salaries) (https://www.indeed.com.ph/cmp/Accenture/salaries) Ang sumusunod ay mga halimbawa ng gastos habang nag-aaral sa isang State University at sa isang pribadong unibersidad sa Maynila. (Cost of Living on Campus - https://upd.edu.ph/students/average-budget/) (Living Costs - http://www.ateneo.edu/living-costs) Ang ibang working student ay kumukuha ng scholarship mula sa local government at ang iba naman ay sa mismong unibersidad kagaya sa Adamson University (Scholarship for Student Assistant Ozanam Study Grant Program). May mga kaibigan ako sa Adamson dati na beneficiary nitong programa na ito at kar...

Almost 10 Years!

Almost 10 years bago ko nasundan ulit ang pag-popost ko dito sa blogsite na ito. Ipag-papatuloy ko pa rin ang pag-susulat tungkol sa tamang paraan ng pag-titipid habang nag-aaral. By the way, ang inyong lingkod ay hindi Registered Financial Planner (or RFP), at hindi din nag-aalok ng anumang serbisyo para sa alinmang institusyong pinansyal. Sinimulan ko itong blog na ito noong 2008 upang mag-bahagi ng aking karanasan bilang estudyante at kung paano ko nagagawang mag-ipon nung ako ay nag-aaral pa lang. May mga kaunting pag-aayos akong gagawin dito sa blog na ito lalo na sa themes dahil medyo outdated na siya. Abangan ang aking post ngayong 2018.

Topic 13 - Baon = Pamasahe + Emergency Projek + Pagkain

Baon = Pamasahe + Emergency Projek + Pagkain Kung nanonood po kayo ng balita, marahil ay parati ninyong napapakinggan ang salitang, World Market, ang Oil Price Hike at ang tungkol sa Langis. Mga kaibigan, halos taas-baba ang nagiging presyuhan ng mga produktong petrolyo na halos naaapektuhan din tayong mga estudyante. Ngunit kahit ganito na ang mga naririnig natin sa balitang ating pinapanood, ang tanong ay paano pa rin ba tayo makatitipid? Pahintulutan n'yo po na gawin kong halimbawa ang araw-araw kong pag-pasok sa Eskwela. Ako po ay pumapasok sa Adamson, ang baon ko tuwing Lunes, Martes at Huwebes ay Php.180. At ang oras na inilalagi ko sa s'kwla ay mula alas-siyete (7:00 A.M.) ng umaga hanggang alas-sais (6:00 P.M.) ng hapon. Pansinin po ninyo kung magkano ang nagagastos ko tuwing Lunes: 70 - Pagkain 60 - Pamasahe ---------------------- 180 - 130 = 50 50 - Extra Money (E.g. Internet for Research, Project, Etc.) May natitira ako minsan na pera, minsan ay 50 pesos at minsa...

Topic 12 - Kamusta na po mga kaibigan

Kamusta na po mga kaibigan. Kamusta na po mga kaibigan. Ako po muli si rejie, ang nagpasimula nitong blogsite na ito na kung tawagin ay "Estudyantipid 101". Last September 2007 ko pa po na-update itong blogsite na ito dahil hindi naman kailangang parating updated ang bawat topic dito dahil kung baga sa isang komiks o mini-books, per topic naman ang cocept ng blogsite na ito. Recently, may nag-bigay ng papuri sa akin sa Friendster ukol sa blogsite na ito, siya ay G. Ryan Penalosa . Ayon sa kanyang mensahe, hi there,, hmmmm... thanks for the approval...i actually got ur fs in ur blogspot.... 'bout Estdyantipid101... i love reading ur blogs keep it up!!! ..im looking forward to know more bout u.... have a great day! For you, Mr. Ryan, thank you for reading my blog writing project. I'm also looking forward to know 'bout you. Sana po ay may kapulutan ninyo ng aral ang mga nakasulat sa blog na ito.

Topic 11 - ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago?

ATM o Passbook? Saan mas wais mag-tago? Topic 11 Sabi ng iba, sa ATM ay mas magastos kapag meron ka nito hindi tulad sa Passbook. Pero madami rin ang nagsasabi na convenient gamitin ang ATM kesa Passbook. Alinman ang gamitin mo sa dalawang ito, parehong ayos gamitin para sa akin. Parehong totoo ang sabi ng iba, kaya nga may malaking pagkakaiba ang dalawang paraan na ito tungkol sa pag-tatago ng pera. Halimbawa na lamang nito ay ang required initial and open deposit, ang isang regular na account para sa open/initial/maintaining deposit para sa ATM ay umaabot sa Php 2000 to 3000 pero meron naman na nag-hahandog ng kanilang serbisyo sa ATM na umaabot lamang sa Php 500. Pero siyempre, meron itong kondisyon na halimbawa ay magkakaroon lamang ng tubo ang iyong ATM Account kapag ang pera na nakatago rito ay hindi kumulang sa Php 5000 at hindi lalagpas sa Php 250,000. Pero ito ang asahan mo pag ATM ang gamit mo, kapag hindi match ang ginagamit mong ATM kapag mag wiwithdraw ka, let say...

Topic 10 - Advance Monthly Allowance

Advance Monthly Allowance Topic 10 Paano ka ba bigyan ng baon ng magulang mo? Boarder ka ba sa Maynila? Ikaw ba ay nakatatanggap ng paunang baon o monthly allowance galing sa iyong magulang? Kung gayon, ito ay para sa iyo… Kung minsan diba ay nauubos natin ang ating advance monthly allowance sa hindi inaasahang bagay? Sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay nasasaid tayo o kinakapos kapag nagalaw na natin ng wala sa pagpa-plano ang ating advanced monthly allowance? Kung ikaw ay naka-ranas na ng ganitong senaryo, at kung ikaw ay pinababaunan o ibinibigay sa iyo ang paunang baon mo para sa isang buwan, intindihin at balikan ang pag-aaral sa topic 3 at topic 6 –to- 9 na mag-bibigay sa iyo ng gabay upang hindi makapos sa pagka-ubos agad ng advance monthly allowance. Magandang ideya ang pagbibigay ng paunang baon para sa isang buwan ng iyong magulang. Kasi, nakikita nila sa iyo kung papaano ka humawak ng pera at malalaman mo din o ma-raranasan mo ang mag-badyet ng pera. Mag-simula kang ...

Topic 9 - Pag-aralan mo kung paano mag-badyet si Nanay o si Tatay

Pag-aralan mo kung paano mag-badyet si Nanay o si Tatay Topic 9 “Ayon sa isang pag-aaral, mas mahusay daw at epekitbo kung may pagpa-plano ang isang pinuno ng tahanan sa paraan ng pag-labas ng salapi sa kanilang bahay katulad na lamang nito ay ang tamang pag-gastos, mga bayarin sa renta ng ilaw, telepono at tubig, at ang matrikula sa mga anak” Talagang maganda talaga ang isang ideya na kapag may pagpaplano ay siguradong epektibo. Ang magiging hadlang lamang sa mga pagpaplano ay ang magiging aksyon natin sa mga plano. Ganyan ang madalas na ginagawa ng isang wais na Nanay o di naman kaya ay Tatay ng isang tahanan. Ngunit naisip mo na ba kung paano mag badyet si Nanay o si Tatay? Sino ba ang mas magaling sa kanilang dalawa pag dating sa pagtitipid? Ang sagot rito ay halos pareho lamang na magaling mag-ipon ang karamihan sa mga Nanay at Tatay ng tahanan, huwag lamang na masabing may bisyo sila. Kung ang magulang mo ay parehas na nagta-trabaho, kapag kinsenas na o kaya e katapusan...