Topic One - Bakit kailangan mag-tipid?
“…bakit kailangan mag-tipid?”
Case Study
Si Lorenzo Dela Paz, 17 taong gulang at estudyante sa kilalang unibersidad sa Makati. Ang ama at ina ni enzo ay kapwang bank manager sa isang bangko sa may San Juan, Metro Manila. Masasabing may kaya ang kanilang pamilya sapagkat ang ibinabaon ni “enzo” sa kanyang pag-pasok ay umaabot sa Php. 250.00 at hindi sila kinakapos sa salapi ang kaniyang magulang. Kung susumahin, ang kanyang baon sa isang linggo ay umaabot sa Php. 1,500. Ang kanyang tinitirahang bahay ay may isandaang hakbang palayo sa kanyang pinapasukan at kung siya ay sasakay sa pampasaherong djip ay gagastos lamang siya ng siyete pesos Php 7.00 Ngayon, ang baon ni enzo ay kung minsan o madalas ay nagkukulang sa kanya sapagkat bago siya umuwi ay dumiderecho siya sa internet café upang mag-laro ng online games kagaya ng Ragnarok Online at O2 Jam.
Conclusion
Ayon sa case study, si Lorenzo ay magastos bagamat ang kanyang magulang ay kumikita ng malaki sa kanilang trabaho bilang mga manager ng isang bangko. At kung inyong naunawaan ang istorya, alam natin na hindi pa nababatid ni enzo na hindi panghabang buhay ang kasaganahan ng kanyang nababatid.
Hindi pa niya natatamo ang kaalaman sa pag-papahalaga ng salapi. Isa ka ba sa masasabing katulad niya?
Napakahalagang mag-tipid at mag-ipon. Subalit, hindi lahat tayo ay nakakatanggap ng malaking baon sa ating mga magulang kagaya ni enzo. Kung kaya’t sa iilang mga estudyante na sapat lamang ang ipinababaong sa kanila ng mga magulang nila, naisin din nilang mag-ipon e hindi nila magawa sa hirap ng buhay.
Pero, kung ang magulang ninyo ay nag-bibigay sa inyo ng malaking baon, dapat ay sa una pa lamang ay kayo’y mag-sinop na dahil hindi habangbuhay ay nagta-trabaho ang inyong magulang. At sapagkat sa mga darating na panahon, kinakailangan nating maging handa sa kakapusan sa pera at pangangailangan.
Topic Two
Comments